Maraming mga Pinoy sa Ukraine nag-aatubiling lumikas sa kabila ng kaguluhan – DFA

Maraming mga Pilipino ang nag-aatubili pa rin na lumipad palabas ng Ukraine, sa kabila ng patuloy na pagsalakay ng Russia sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola sa gitna ng paghihikayat na lumikas na lugar.

Ayon kay Arriola nasa 40 na mga Pinoy sa silangang lungsod ng Lviv ay nagpasyang hindi mag-avail ng repatriation sa pag-asang ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia ay mabilis na mareresolba.

Aminado naman ang opisyal na kahit magpatupad ng mandatory evacuation ay mahihirapan silang mapauwi ang mga Pinoy kung magmamatigas ang mga ito.

Nanawagan si Arriola sa mga Pilipino na makipag-ugnayan sa DFA sa pamamagitan ng mga ambassador ng Pilipinas sa Ukraine, gayundin sa OFW Help Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *