Menor de edad, nalunod habang naliligo sa ilog

Patay ang isang menor de edad matapos na malunod sa ilog sa Brgy Quezon, Uson, Masbate.

Ang biktima na hindi na pinangalanan ay 15-anyos, Grade 9 pupil at naninikrahan sa Brgy Buenavista ng nasabing bayan.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, inireport ng Brgy Chairman na si Imelda Rivera sa himpilan ng Pulisya na may nalunod sa ilog na malapit sa tulay ng nasabing barangay.

Lumabas sa imbestigasyon na ang biktima, kasama ang kanyang kapatid na lalaki ay naligo sa nasabing ilog nang tangayin ito ng malakas na agos ng ilog.

Naiahon naman agad ang biktima sa tubig at naitakbo sa RHU at tinangkang irevive pa ng doktor na si Dr. Charisma April Bien subalit binawian din ito ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *