Metro Manila, nagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 – OCTA

Nanguna ang Quezon City at Metro Manila sa listahan ng mga lungsod at rehiyon na may mataas na bilang ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 noong nakaraang linggo.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang Quezon City ay may 74 sa 353 mga bagong kaso na naitala sa Metro Manila.

Pumapangalawa naman dito ang Manila sa 52, sinundan ng Makati City (39) at Pasig City (31).

Sa labas naman ng capital region, nagtala ang Cavite ng may mataas na bilang ng bagong infections sa 62, sinundan ng Iloilo (41), Cebu (40) at Batangas (37).

Una nito, isinailalim ng DOH ang Pasig City, Quezon City, San Juan City, Marikina City at ang mga munisipalidad ng Pateros sa ilalim ng moderate risk para sa COVID-19.

Ibig sabihin, ang isang lugar ay may positive two-week growth rate (TWGR) at average daily attack rate (ADAR) ng nasa anim na average cases bawat araw para sa bawat 100,000 indibidwal. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *