Mga mananalo ng gitno sa Olympics, gagantimpalaan ng PCO ng bahay at lupa

Inanunsyo ng Philippine Olympic Committee (POC) gagantimpalaan ng house and lot ang mga mananalo ng ginto sa darating na 2024 Paris Olympics.

Ayon kay PCO president Abraham Tolentino, masaya silang makapagbigay ng parangal sa mga atletang Pilipino, lalo na’t house and lot rin ang ibinigay nila sa mga medalists noong Tokyo Olympics.

Kabilang rito sina gold medalist Hidilyn Diaz, silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam, at bronze medalist Eumir Marcial, na nakatanggap ng bahay at lupa sa Tagaytay.

Bukod pa rito, ang mga Olympic gold medalists ay gagantimpalaan ng P10 milyon, alisunod sa Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

####

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *