Mga nabakunahan sa pediatric group sa lunsod ng Legazpi, pumalo na sa 29.3%; PINASLAKAS vaccination, nagpapatuloy pa rin

LEGAZPI CITY – Kasalukuyang nasa 29.3% pa lamang ang nababakunahan na pediatric group as of September 20, 2022 sa lunsod ng Legazpi, batay sa tala ng City Health Office.

Sa nasabing tala, sa tatlong mga lunsod sa Albay, pumapangalawa ang Legazpi sa may pinakamaraming nabakunahan.

Nangunguna pa rin ang lugsod ng Tabaco na may 54% at pumangatlo ang Ligao City na may 22.3% .

Aabot na rin sa 38, 929 o 52.2% ang nababakunahan sa edad na 12 taong gulang pataas, habang nasa 35,595 naman ang remaining unvaccinated sa lunsod.

Ayon sa CHO, nagpapatuloy pa rin ang PINASLAKAS sa pagbabakuna sa iba’t ibang mga paaralan, malls at mga barangay upang mapataas pa ang bilang ng vaccination coverage sa 5-11 taong gulang.

Hinihikayat pa rin ang publiko na magpabooster shot upang hindi na makaranas ng malalang sintomas ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *