Most wanted ng CALABARZON, timbog sa Batangas

Arestado ang isang lalaking itinuturing na most wanted person sa CALABARZON at na nahaharap sa kasong murder sa Rosario, Batangas.

Kinilala ng Rosario MPS ang suspek na si Amor Funtanar y Latre, 55-anyos, isang karpintero, tubong Seroma, Camarines Sur at kasalukuyang naninirahan sa barangay Namunga, Rosario, Batangas.

Batay sa report, dahil sa pinagsanib pwersang operasyon ng Rosario MPS kasama ang mga tauhan ng Batangas PNP at ng PRO-5, tuluyang nadakip ang suspek sa isang poultry farm sa nasabing barangay.

Mahigit isang taon ding nagtago ang suspek dahil noong June 18, 2021 pa lumabas ang warrant of arrest para rito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng nasabing himpilin ang suspek at handa nang pagbayaran ang kasong isinampa laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *