MPD – nag-inspeksyon sa palibot ng Sto. Niño Church sa Tondo, Maynila

Inumpisahan na ng Manila Police District (MPD) ang paghahanda para sa iba pang mga aktibidad na bahagi ng pista ng Sto. Niño kabilang na ang ‘Lakbayaw’ sa Sabado.

Ayon sa MPD Station 2 – nag-inspeksyon na sila sa palibot ng Sto Niño Church sa Tondo, Maynila.

Nagpaalala rin ang MPD na bawal na ang mga street vendors sa Ilaya Street hanggang sa January 21.

Tuluy-tuloy din umano ang knailang mga routine patrolling para masiguro ang kaligtasan ng libu-libong deboto na inaasahang daragsa sa Tondo.

Kung maaalala – nitong 2023 ay dumalo ang humgit-kumulang sa 10,000 mga taga-Tondo, at mga iba pang lugar para lang makilahok sa Lakbayaw.

Ang ‘Lakbayaw’ ay mula sa dalawang salita na ‘lakbay’ at ‘sayaw’; kung saan, nakikisayaw ang mga deboto, dala-dala ang kani-kanilang mga Sto. Niño na may iba’t ibang mga kasuotan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *