OJ Simpson, pumanaw na sa edad na 76

Pumanaw na ang napawalang salang American football star na si O.J. Simpson sa edad na 76.

Ayon sa anunsyo sa kanyang social media, pumanaw si Simpson matapos labanan ang cancer.

Tinaguriang “The Juice,” si Simpson ay isa sa pinakamahusay at pinakasikat na mga atleta noong huling bahagi ng 1960s at 1970s.

Maalalang dumaan ang dating manlalaro sa tinaguriang “trial of the century” noong 1995 at kalaunan ay nakulong dahil sa pagpatay sa kanyang dating asawa.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *