P1.5M na halaga naitalang pinsala sa sunog sa Nueva Vizcaya

Pumalo sa 1.5 million pesos ang halagang nilamon ng apoy na nangyari sa Nueva Vizcaya partikular na sa National Highway, Brgy. Quirino sa Solano.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang tatlong stalls na tinupok ng apoy ay kinabibilangan ng Vidad Store, Cammer Shoe Repair Shop at Norma’s Fruit Stand.

Sinabi rin ni Fire Sr. Inspector Roger Esteban, ang Municipal Fire Marshall ng BFP Solano na posibleng ang pinagmulan ng sunog ay ang sinindihang apoy ng lalaking may diperensiya sa pag-iisip.

Ang itinuturing na salarin ay naninirahan sa bakanteng kwarto malapit sa tatlong stalls na nasunog.

May nakakita umano sa lalaking suspek na tumakbo papalayo sa silid na tinutuluyan nito na siyang pinagmulan ng apoy.

Kasama sa mga nasunog ang mga appliances, refrigerators, mga paninda at ilang computer sets na may kabuuang halagang 1.5 million pesos.

Dalawang oras ang inabot bago naapula ng BFP ang naturang sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *