P8-B pondo para sa ayuda sa mga magsasaka, inilabas na ng DBM

Aprubado na nang Department of Budget and Management ang pagpapalabas ng Notice of Cash Allocation na nagkakahalaga ng higit P8-billion sa Department of Agriculture.

Ang naturang pondo ay gagamitin bilang ayuda sa 1.5 milyong kwalipikadong mga magsasaka para sa 3rd at 4th quarter ng 2022.

Inaasahang makakatanggap ng P5,000 ang mga benipisaryo alinsunod sa implementasyon ng Rice Farmers’ Financial Assistance program para mabigyang suporta ang mga magsasaka na apektado ng Rice Tariffication Law.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman nararapat lamang na mabigyan ng tamang pag-aruga ang ating mga magsasaka na patuloy na nakikipaglaban mula sa mga nakaraang kalamidad.

Malaking tulong umano ang unconditional cash assistance sa mga magkasasaka para sa kinakailangang farm iputs gaya ng abono at langis sa mga makina.

Saklaw din ng NCA ang serice fee, kabilang ang paggawa ng card, para sa Rice Competitive Enhancement Fund-RFFA sa ilalim ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *