Pagbabakuna sa A1-A3 Category sa Bicol University nagpapatuloy

LEGAZPI-Nilinaw ng Bicol University na ang mga empleyado o staff na isinasailalim ngayon sa pagbabakuna ay ang mga mula sa A1-A3 Category.

Ayon sa latest post ng B.U, sa unang araw pa lamang ng pagbabakuna, kasama sa mga nabakunahan mula sa BU Vaccination Team, frontline workers kasama ang mga deans at directors, sa A2 category naman ay ang Senior Citizens, at sa A3 ay ang mga comorbidities.

Sinasagawa pa rin ito sa BU College of Engineering (CENG) Gymnasium na kung saan sinovac ang ituturok sa lahat ng personnel na isasailalim sa vaccination.

Samantalang ang mga natitirang mga empleyado ang aantayin pa ang ipapalabas na schedule ng IT team base na rin sa Office Memorandum No. 125, series of 2021.

Paglilinaw rin ng nasabing unibersidad na ang pagbabakuna sa mga estudyante ay depende pa rin sa ipapalabas na category at kung mapayagan na ay agad nilang isasagawa ang pagbabakuna para mabuksan na ang normal na klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *