Pagbabantay sa kagubatan sa Cagayan, pinaigting pa ng DENR at militar

Pinaigting pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 katuwang ang militar ang pagbabantay sa kagubatan at kampaniya kontra illegal logging sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay matapos lagdaan ng dalawang institusyon ang Memorandum of Agreement (MOA) na nagsasaad ng pagpayag sa pagtatayo ng kampo ng militar sa Kalbario–Patapat Natural Park sa bayan ng Sta. Praxedes.

Ang naturang kasunduan ay pinirmahan nina DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan at BGen. Steve Crespillo, Commander ng 501st Infantry Brigade.

Sinabi ni RD Bambalan na ang pagkakaroon ng presensya ng kasundaluhan sa protected area upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad kundi upang sa mga boundary sa rehiyon.

Ito rin aniya ay katulad nang nauna ng kasunduan ng DENR at Department of National Defense (DND) at alinsunod sa kautusan ni Sec. Roy Cimatu na masawata ang pamumutol ng punongkahoy sa halip na manghuli sa sinumang illegal nagpupuslit nito.

Samantala, pinasalamatan naman ni BGen. Crespillo ang DENR sa pagtanggap sa kanilang kahilingan na magkaroon ng reserbasyon ang kasundaluhan sa pagitan ng Cagayan Valley at Ilocos Region.

Binigyang-diin din ng opisyal na ang kanilang presensya sa lugar ay tiyak na makakapagsawata sa posibleng mga aktibidad na makasisira sa likas na yaman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *