Pagbebenta ng lupa ng magsasaka, maiiwasan na sa bagong Agrarian Emancipation Act

Makakatulong ang bagong Agrarian Emancipation Act sa mga magsasaka na maiwasan ang pagbebenta ng mga lupa, ito ang sinabi ng Sorsoganon na lawmaker at Principal Author ng nasabing batas na si Agri Party-list Rep Wilbert Lee.

Ayon dito, naiintindihan niya umano ang pangamba ng civil society organizations (CSOs) na ang lupang iginawad sa agrarian beneficiaries sa pamamagitan ng bagong batas, na kilala rin bilang RA No. 11953 ay maaaring gamitin bilang collateral para sa mga utang sa hinaharap o mga hindi nabayarang utang.

Ngunit ipinagtanggol nito ang batas at sinabing binibigyang diin na ang layunin ng batas ay hindi lamang palayain ang mga magsasaka mula sa pagkakautang kundi magbigay din ng sapat na suporta sa mga agrarian reform beneficiariesa (ARBs) at gawing kumikitang kabuhayan ang pagsasaka, nang sa gayon umano ay hindi sila mamumuhay na ‘isang kahig, isang tuka.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *