Paggawad ng pabahay sa mahigit 200 pamilya sa Bataan, pinangunahan ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ceremonial turn-over ng National Housing Authority- Balanga low-rise housing project sa Bataan kaninang umaga.

Nasa 216 families ang nabiyayaan ng bagong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program.

Kabilang sa pabahay ang anim na low-rise housing project na mapapakinabangan ng mga ililikas na ISF mula sa kahabaan ng Talisay River.

Kabilang din sa proyekto ang basic facilities tulad ng four-storey building na may dalawampung classrooms, multipurpose building at covered basketball court.

Sa kanyang talumpati, hiniling ni Pangulong Marcos sa mga benepisyaryo na mahalin at ingatan ang kanilang bagong tahanan upang magsilbi anyang pundasyon ng kanilang mga pangarap at magagandang kinabukasan.

Dagdag ng Presidente ang proyekto ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan upang mabigyan ng maayos na tahanan ang bawat mamamayang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *