Panibagong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID- 19 naitala sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng panibagong kaso ng pagkamatay ang bayan ng Basud dahil sa COVID- 19.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, ang bagong nasawi dahil sa sakit ay si Bicol No 27186, 53 anyos, babae mula sa Barngay Manmuntay.

Una itong nakaranas ng sintomas noong September 3 at ipinasok sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Pero kinabukasan ay namatay ang biktima habang namamalagi sa naturang pagamutan.

Wala itong travel history at hindi rin alam kung paano nahawa ng sakit.

Nagpositibo rin sa COVID- 19 ang isang Barangay Health Worker at dalawang iba sa naturang bayan.

Ang mga ito ay pawang close contact ng mga naunang nagpositibo sa sakit

Ang BHW na nagpositibo sa sakit ay may code na Bicol No 27589, 50 anyos na babae mula sa Barangay Plaridel.

Mula rin sa Barangay Plaridel sina Bicol No 27579 na isang 58 anyos na babae, at  Bicol No 27578 na isa namang 28 anyos babae.

Ang mga ito ay walang nararamdamang sintomas na kasalukuyang naka- isolate sa Temporary Treatment and Monitoring Facility ng LGU.

Sa ngayon ay sumampa na sa 146 ang kabuuang kaso ng sakit sa naturang bayan na may 22 aktibong kaso.

Umabot na rin sa sampu ang bilang ng mga nasawi sa naturang bayan dahil sa sakit habang 114 naman ang gumaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *