PCCCI nanindigan sa inilabas na ulat na may 56 kaso ng kidnapping sa kanilang hanay

Nanindigan ang Philippine Chinese Chamber Commerce and Industry (PCCCI) sa kanilang ulat na mayroong 56 na kidnapping incidents sa kanilang hanay.

Sa senate hearing kaugnay sa mga sinasabing tumataas na bilang ng kidnapping incidents, sinabi ni PCCCI Executive Committee Member, Mr. Ko Bengsum ang kanilang tala ay batay sa mga report mula sa kanilang mga local chapters.

Binigyan-diin din ni Bengsum na ang 56 na kaso ng kidnapping sa mga Tsinoy at Chinese National ay inisyal pa lamang at posibleng mas mataas pa ang aktuwal na bilang nito sa buong bansa.

Sa kabila nito nilinaw naman ng PCCCI na hindi nila sinisisi ang Philippine National Police kung hindi nareresolba ang kremin dahil karamihan sa mga biktima ay hindi naman umano dumudulog sa mga kapulisan.

Sinabi ni Bengson na kaya lang nila isinapubliko kamakailan ang mga ulat ng kidnapping upang mago pro-active ang PNP at gumawa ng hakbang upang mapigilan ang ganitong mga insidente. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *