Pelikulang Cam Norteño na bahagi ng Lakbay Sine Pasalubong ng CCP Gawad Alternatibo at Cinemalaya Film Festival 2023 nakatakdang ipalabas sa Metro Manila

CAMARINES NORTE – Nakatakdang ipalabas sa August 10 ng tanghali sa Tanghalang Ignacio Gimenez ng CCP Blackbox Theatre, Pasay City, Metro Manila ang pelikulang Cam Norteño na bahagi ng Lakbay Sine Pasalubong ng CCP Gawad Alternatibo at Cinemalaya Film Festival 2023.

Tampok diyan ang Signus ni Johnrey De la Cruz, Lublob ni Bayani Boqueo Jr., Habak ng mga Manide ni Anuar Joshua Palma, at Ang pagbangon ni Pina ni Vincent Ricrafrente.

Ang mga nabanggit na mga maikling pelikula ay produkto ng nakaraang Bantayog Film Festival 2023 na inorganisa ng Camarines Provincial Tourism Operations Office at CINECamNorte Film Tourism Guild noong Abril 2023.

Ayon sa Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office, ang pagtanghal ng mga kwento at obra maestra mula sa Camarines Norte ay may adhikaing mapakilala ang probinsya sa larangan ng film tourism.

Hinihikayat din ng Provincial Tourism Operations Office ng Camarines Norte na suportahan ang pelikulang gawang Cine Cam Norte na tunay umanong maipagmamalaki mga Cam Norteño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *