Petisyon ni Vhong Navarro, ibinasura ng CA

Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ng actor at television host na si Ferdinand “Vhong” Navarro sa desisyon ng Taguig City regional trial court (RTC) na nagbasura sa kasong grave coercion na isinampa niya laban kay Sajed Fernandez, alyas “Jed Fernandez.”

Binaligtad ng RTC ang desisyon ng metropolitan trial court (MeTC) kung saan hinatulang guilty si Fernandez ng grave coercion at pinatawan ng anim na buwan hanggang tatlong taon na pagkakakulong

Ang kasong grave coercion ay may kaugnayan sa insidente noong Enero 22, 2014 na kinasangkutan ni Navarro at ng grupo nina Deniece Cornejo, Ceric Cua Lee, Bernice Lee, Simeon Palma Raz Jr., Jose Paolo Gregorio Calma, Fernandez, at Ferdinand Guerrero.

Iginiit ni Navarro na siya ay na “brutalized” ng grupo ni Cornejo sa isang condominium unit ng sa Taguig City at pinilit na aminin na ginahasa niya si Cornejo.

Ang mga insidente ay nagbunsod kay Navarro na kasuhan si Cornejo at ang kanyang grupo ng grave coercion sa harap ng Taguig City MeTC ng isang criminal charge sheet na may petsang April 4, 2014.
#

RELATED STORIES:

Vhong Navarro, ililipat sa Taguig City Jail

Vhong Navarro, sumuko na sa NBI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *