‘PH, kailangan ng dagdag na oxygen supply para paghandaan ang posibleng Delta variant surge’

Kailangan umanong dagdagan ng Pilipinas ang oxygen supply para mas makapaghanda sakaling magkaroon ng pagsipa ng COVID-19 cases dahil sa Delta variant. 

Ito ay matapos na magbabala ang Department of Health (DOH) na posible ang panibagong pagsipa ng COVID-19 cases matapos maitala ang 11 local cases ng Delta variant sa Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas, at Central Luzon.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naghahanda na ang DOH para sa isang surge dahil sa variant na unang na-detect sa India. 

Aniya, sapat naman sa ngayon ang oxygen supply sa bansa pero kailangan itong dagdagan, pati na ang COVID-19 beds ng mga ospital. 

Sinabihan na rin umano ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kanilang PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) response.

Binigyang diin ni Vergeire na mas nakakahawa ang variant kaya mas mataas ang probability na maospital ang mga tao. 

Kaugnay nito, risk at factor aniya ang paggalaw sa pagkalat ng virus kaya naman patuloy na ina-assess ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang sitwasyon sa National Capital Region (NCR) at mayroon nang proposals na muling ipatupad ang NCR Plus bubble para maiwasan ang pagkalat ng variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *