Pilipinas at New Zealand, nakatakdang bumuo ng defense at maritime agreements

Muling pinagtibay ng Pilipinas at New Zealand ang kanilang commitment sa pagpapalakas ng defense engagement ng dalawang bansa.

Sa joint statement nina Pangulong Bongbong Marcos at New Zealand Prime Minister Christopher Luxon matapos ang kanilang bilaterall meeting kagabi, nagkasundo ang dalawang lider na lumagda sa isang Mutual Logistics Supporting Arrangement o MLSA sa katapusan ng 2024 at sa pagtatapos ng Status of Visiting Forces Agreement o SOVFA.

Gayundin ang pagpapatibay sa kanilang pangako na itaguyod ang maritime security operation, kabilang ang mga bilateral and multilateral activities sa dagat, port, calls/visits at capacity-building efforts.

Kinilala rin ng dalawang lider ang shared interest ng Pilipinas at New Zealand sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa ating karagatan.

Kaya asahan ang pagtutulungan sa maritime law enforcement, kabilang ang pagtugon sa mga common threats tulad ng piracy, maritime terrorism, contraband smuggling, wildlife trafficking, at irregular human migration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *