PNP, nanindigan na nananatiling transparent sa drug war data

Nanindigan ang Philippine National Police na transparent ang datus nito sa kanilang illegal drugs campaign, taliwas sa sinasabi ng ilang grupo.

Sa panayam , sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na handa silang maglahad ng kanilang sariling datus patungkol sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Ginawa ni Fajardo ang pahayag kasunod ng mga naunang alegasyon na ginawa ni Phil Robertson, Deputy Director for HRW Asia Division, na inakusahan ang PNP ng “undercounting” sa bilang ng mga namatay dahil sa illegal drugs campaign.

Sa isang artikulo na may petsang November 17, sinabi ni Robertson na ang 46 na pagkamatay na may kaugnayan sa droga mula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong June 30 ay mas mababa sa “estimate” ng University of the Philippines’ Third World Studies Center.

Nauna rito, sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. mula nang maupo si Pangulong Marcos noong Hulyo, ang agresibong kampanya ng PNP laban sa iligal na droga ay nagbunga ng mahigit PHP9.7 bilyong halaga ng iligal na droga at naaresto ang 22,646 na personalidad ng droga.

RELATED STORIES:

Undercounting ng PNP sa mga nasasawi sa anti-illegal drugs ops pinuna ng Human Rights Watch

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *