PNPA graduates, hinimok na gamitin ang makabagong teknolohiya sa mga misyon

Hinamon ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga graduates ng PNPA Layag-diwa class of 2024 na gamitin ang teknolohiya sa pag protekta at paglilingkod sa mga mamamayan.

Sa kanyang talumpati sa commencement exercise ng Layag-diwa class sa Silang, Cavite, binigyang diin ng Pangulo na mainam na pagsamahin ang tradisyonal at makabagong paraan sa pag sugpo ng krimen, lalo’t laganap din ngayon ang mga cybercrimes.

Mainam din anyang gamitin ang teknolohiya para mas mapagbuti nila ang kanilang serbisyo sa anumang bureau na mapipili ng mga ito.

Pinaalalahanan rin sila ng Presidente na unahin na magbigay ng de kalidad na serbisyo sa taumbayan bago ang pagpapataas sa kanilang ranggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *