POC, titiyakin na makakarepresenta parin si Obiena para sa Pilipinas

Plano ng Philippine Olympic Committee (POC) na i-invoke ang provision sa Olympic charter, para matiyak na ang pole vaulter na si EJ Obiena ay makakarepresenta parin para sa Pilipinas sa International competitions.

Ito ang pahayag ni POC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, matapos na magdesisyon ang National Olympic committee (NOC) laban kay Obiena sa gitna ng sigalot sa pagitan ng naturang atleta sa kanyang sariling national sports association (NSA).

Mababatid na gusto ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na tanggalin si Obiena mula sa national team pool at maghain ng kasong estafa laban sa kanya, matapos madiskubreng, ginastos sa mali ang pondo nito.

Pero ayon kay Tolentino sakaling hindi magtugma ang kanilang desisyon sa PATAFA, at panindigan nilang tangalin si Obiena, titiyakin naman ng PIC na patuloy na maglalaro ang pole vaulter para sa Pilipinas.

Si Obiena ay ang defending Southeast Asian Games champion at kasalukuyang hawak ang Asian record sa pole vault, na may rehistr noong last September 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *