Provincial Coordinator ng isang party list, nakuhaan ng mga baril, bala at Granada

SORSOGON CITY – Nasamsam sa loob ng bahay ng provincial coordinator ng Magsasaka Party List ang mga baril, bala at granada nang maghain ang awtoridad ng search warrant alas 7:00 ng umaga, Lunes, Agosto 2 sa Noval Compound, Brgy Salog sa lungsod ng Sorsogon.

Subject sa warrant si Revor Jesoro Lasay dahil sa mga hindi lisensiyadong baril.

Isang hand grenade, shotgun na loaded ng 5 bala, tatlong kalibre 45 na pistola at 6 na magazine nito, 45 pirasong bala para sa shotgun at 128 pirasong bala para sa kalibre 45 na pistola ang nakumpiska mula sa loob ng bahay ng suspek.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa hepe ng Sorsogon City Police Station na si PMaj Jeric Don Sadia sinabi nito na matagal na nilang minamanmanan ang nasabing suspek. Aniya pa, nakatiyempo sila nang makakuha sila ng witness na siyang naging dahilan para makakuha sila ng mandamiyento de rekisa mula sa RTC Br 53-Sorsogon City.

Ang operating units na sumalakay sa nasabing lugar ay pinangunahan ng Sorsogon City Police Station, bilang lead unit, katuwang ang Provincial at Regional Intelligence Unit, 504th Mobile Company at Special Action Forces (SAF) mula sa 92nd Special Action Company-9th Special Action Battalion.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *