Returning Agri official Ding Panganiban, nilinaw na hindi siya kapalit ni Leocadio Sebastian

Nilinaw ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na itinalaga siya sa Kagawaran, hindi bilang kapalit ng Leocadio Sebastian na nagbitiw sa puwesto.

Ito pa rin ay sa gitna ng kontrobersyang bumabalot sa ‘unauthorized imporation’ ng 300,000 metric tons ng asukal sa bansa.

Ayon kay Panganiban, nang ipatawag daw siya ni Pangulong Bongbong Marcos, hindi naman nito natalakay ang pag-take over niya sa puwestong binakante ni Sebastian.

Sa ngayon aniya, ang magiging pangunahin nitong focus sa kanyang trabaho bilang isang USEC ay ang mga kinakailangan ng agri-sector partikular sa rice at corn.

Paliwanag nito, kinakailangan daw kasing ma-review na ang mga rice and corn programs dahil mayroon pa ring mga problema dito kabilang na ang abono at pastisidyo.

Mababatid na si Panganiban ay dati na ring Agriculture Secretary noong 2001 sa ilalim ni dating pangulong Joseph Esrada, at bumalik din noong 2005 sa ilalim naman ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *