Route plan sa PUV modernization, hinihintay na lang na -iaprob ng DOTr

Hinihintay na lamang ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa na maaprobahan ng Department of Transportation ang ipinasang Route plan sa LTFRB kaugnay sa PUV modernization.

Ayon kay City Councilor Atty. Nesario Awat nitong Biyernes , kapag na-aprobahan na ang plano ay ibabalik sa LGU bago bubuo ng ordinansa ang Sangguniang sa bagong rutang dadaanan ng PUVs.

Sinabi pa nito na, kinakailangang mag-consolidate ng mga kooperatiba ng mga driver & operator bago sila bibigyan ng probational franchise upang maging kwalipikado na magkaroon ng bagong unit.

Ang pinagsamang mga kooperatiba ay magbabayad ng monthly amortization sa bangko para sa bagong modelo ng sasakyan ngunit sa oras na hindi tuloy-tuloy na mabayaran ay ‘mahuhugot’ o babawiin ito.

Bunsod aniya ng PUV modernization, ang dating modelo ng PUV tulad ng multicab ay hindi na maaaring mag-renew ng prangkisa.

Maaari nang gamitin bilang private vehicle ang mga lumang PUV sa oras na hindi ito maisali sa consolidated tranport cooperative o gawing “scrap” na babayaran ng gobyerno, ayon pa kay Konsehal Awat.

Kaugnay nito, tinatayang sa susunod na taong 2023 ay posible na umanong maipatupad ang programa sa Puerto Princesa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *