School Principal mula sa Sorsogon, kinilala bilang Regional Awardee for Outstanding Gov’t Workers at International Multi Awardee Teacher

Kinilala bilang Regional Awardee for 2022 Search for Outstanding Government Workers at International Multi Awardee ang isang school principal mula sa lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News Sorsogon kay Principal Rowan L. Celestra ng Cambulaga Elementary School, sinabi nito na taong 2020 sa kasagsagan ng pandemya nang simulan niya ang kampanya sa pagbibigay ng suporta sa mga Nanay pagdating sa pagtuturo sa kani kanilang mga anak.

Inilunsad nito ang E.NAY.COM dahil sa implimentasyon ng No Face to Face Classes o ang Alternative Learning Modality kung saan nahirapan ang mga magulang dahil sa mga modules.

Aniya, malaking hamon ang pagbibigay gabay sa mga Nanay kung paano ng mga ito matuturuan ang kanilang mga anak habang nasa bahay nang hindi naisasakripisyo ang kalidad ng edukasyon kung saan matapos ang mga seminars at kanilang walang sawang pakikipag-ugnayan sa mga Nanay ng bawat mag- aaral, positibo ang naging resulta nito dahil sa kooperasyon ng bawat isa at mga tumulong na mga ahensya ng gobyerno upang bigyan ng sapat na kaalaman ang mga ilaw ng tahanan bilang unang guro ng kanilang mga anak.

Sa kasalukuyan, naging inspirasyon si Celestra ng kanyang kapwa guro, magulang at mag -aaral dahil kinikilala na,  hindi lamang sa buong bansa kundi sa international level ang pambihira nitong dedikasyon sa larangan ng pagtuturo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *