SEC-Bicol, nagbabala sa publiko kaugnay sa tumataas na kaso ng ‘scam’ ngayong pandemya

BICOL – NAGBABALA ngayon ang Securities and Exchange Commission o SEC-Bicol kaugnay sa tumataas na bilang ng mga nabibiktima ng ‘scam’ o panloloko ngayong panahon ng pandemya.

Patuloy kasing nakakapagtala ang SEC sa rehiyon ng sumbong kaugnay sa mga kumpanya at personahe na sangkot sa mga kaduda dudang aktibidad.

Ayon kay Atty. Norma Tan-Olaya, office-in-charge ng SEC-Bicol, tulloy tuloy ang pag iisyu nila ng public advisory upang hindi na madagdagann paa ang biktima ng mga ito.

Aniya, 3 hanggang 4 kada araw nag nadadagdag sa listahan ng ahensya ng mga nasasangkot sa mga hindi otorisadong gawain tulad ng investment solicitation at pyramiding scam.

Bagamat ang sa ganitong aktibidad hindi garantiya kaligtasan ng investors, marami ang nahuhuling pa rin na umanib at mag-invest dahil sa pangako ng malaking kita o return of investments.

Karamihan pa umano sa mga ito ay walang sinusunod na malinaw na proseso ng pangangalap ng pondo, walang rehistro, lisensya o akreditasyon mula sa Komisyon o sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

Kaugnay nito, nagpaalala ang ahensya na bago mamuhunan, magbigay ng donasyon o umanib sa isang kompanya o entidad ay mainam na i-check muna ito sa kanilang opisina.

Maari rin makipag-ugnayan sa Enforcement and Investor Protection Department sa pamamagitan ng email na [email protected] kung may mga nalalaman o karagdagang impormasyon laban sa mga iligal na organisasyon.

Samantala, makikita ang listahan ng mga ipinalabas na advisories ng Komisyon sa kanilang official website na www.sec.gov.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *