Security plan para sa Semana Santa at ligtas na summer vacation, inilunsad na ng PNP Bicol

LEGAZPI CITY – Maagang inilatag ng Philippine National Police (PNP) Bicol ang kanilang security plan sa buong rehiyon para sa nalalapit na Semana Santa at sa bakasyon ngayong summer season.

Ayon kay PNP Bicol Regional Diector, PBGen. Westrimundo Obinque, aabot sa mahigit 3,000 mga kapulisan sa rehiyon ang handang ideploy sa mga simbahan, pangunahing lansangan, paliparan, terminal, pantalan at mga area of convergence sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Norte, Masbate at Catanduanes.

Ang deployment ng mga PNP personnel ay magsisimula sa Abril 1 hanggang Mayo 31 ng kasalukuyang taon.

Layunin nitong paigtingin ang police visibility, paglalagay ng mga checkpoints at police assistance desks sa kahabaan ng Maharlika Highway, entry at exit point sa mga lungsod at bayan.

Katulong ng pulisya ang iba’t ibang force multipliers sa bawat lugar hanggang sa barangay na lebel.

Hiling ng nasabing opisyal ang kooperasyon ng lahat ng sektor ng lipunan upang matiyak ang kaayusan at katahimikan sa rehiyon ngayong Semana Santa hanggang sa summer vacation.

Sinabi pa nito, nasa full alert status na ang PNP Bicol at handang maglingkod sa publiko 24/7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *