Semana Santa sa Camarines Sur, Generally Peaceful- CSPPO

CAMARINES SUR- “Generally Peaceful ang Semana Santa sa Camarines Sur.”

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Camarines Sur Police Provincial Office Provincial Director PCOL. Julius Ceasar Domingo.

Aniya nakapagtala ng mabigat na daloy ng trapiko papasok at palabas ng lalawigan pero naging organisado naman ang pagmamanage. Nabantayan naman ang mga tumungo sa mga simbahan. Wala aniyang mga kaguluhan.

Sa kasalukuyan inaalam ang kabuohang  bilang ng turista mula Lunes Santo, pero kung titinggan aniya ang inisyal na datus, nitong Linggo ng pagkabuhay nakapagtala ang Pasacao ng mahigit 7,000 na mga turista. Nasa 4,000 sa Tinambac at 1, 200 sa  Balatan at mahigit isanlibo sa Minalabac. Sa Calabanga naman nasa 4,000 na mga mananampalataya.

Mapayapa man ang Semana Santa, mananatili ang pagbabantay ng pulisya lalo na sa mga pampublikong lugar ngayong Summer Season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *