Senador: Planong pagbabalik ng alert level 2 sa NCR, makakaapekto sa growth rate ng PH

Hindi pabor si releected Senator Joel Villanueva sa planong posibleng pagbabalik sa National Capital Region (NCR) sa alert level 2.

Paliwanag ni Villanueva, inaasahan ng World Bank na lalago ang Pilipinas sa 5.7 percent ngayong taon, na siyang pinakamataas sa Asya, pero kung babalik sa Alert Level 2 ang NCR ay labis umano itong makakaapekto, maging ang 5.6 percent growth na inaasahan sa 2023 hanggang 2024.

Giit ng chairman ng Senate Labor Committee, dapat nangunguna ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang team ng mga eksperto sa pagbibigay ng rekomendasyon, na batay sa bagong datos at nararanasan ng ibang mga bansa, kung ang Metro Manila o anumang local government units (LGUs) ay kailangan isailalim o hindi sa mas mataas na alert level.

Dagdag ng senador, ito ay labis na mahalaga ngayon, lalo’t nagbubukas na ang bansa sa ekonomiya kasama ang mga kalapit na bansa, lalo na turismo. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *