SoCot Gov. Tamayo, stable na matapos ang pananakit ng puso

KORONADAL CITY – NASA mabuting kondisyon na ang sitwasyon ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. Ito ang binigyang-diin ni Rudy Jimenea, Provincial Information Officer ng South Cotabato sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan walang dapat na ikabahala ang publiko dahil mahigpit na tinututukan ng kaniyang mga doktor ang kaniyang kalagayan.

Ayon kay Jimenea, nananatili ngayon sa Davao City ang opisyal dahil siya ay isasailalim sa Percutaneous Coronary Intervention o PCI makaraang nalaman na mayroong blood-clot sa puso nito. Mismo ang pamilya na ngayon ni Governor Tamayo ang nagdesisyon na siya ay dalhin sa isang hospital sa Davao City. Sa kabila ng sitwasyon ng gobernador, inihayag ni Jimenea, na patuloy padin na nakikipag-usap gayundin ang pagsagot sa mga tawag at text ng ilang mga indibidwal. Kaugnay nito, gusto na umano ni Gov. Tamayo na bumalik na sa trabaho.

Sa ngayon, nanantili naman na nasa medical leave of absence ang opisyal. Humihiling ngayon ang pamilya ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. sa publiko na kung maari huwag na munang bumisita sa hospital upang agad na gumaling ang opisyal mula sa pag-clot ng kaniyang damdaman. Mahigpit na inirerekomenda ng kaniyang mga doktor na ito ay dapat na magpahinga ng tama.

Ayon kay Jimenea, pinaniniwalaang may malaking kontribusyon ang stress sa trabaho gayundin sa walang tigil na mga aktibidad ng opisyal bilang gobernador ng probinsya. Humihiling naman si Jimenea sa publiko ng dasal sa agarang recovery ni Governor Tamayo. Target nito, na maibalik ang lakas ng opisyal upang kaniyang maipagpatuloy ang panenerbisyo sa publiko. Samantala, tumatayong Acting Governor naman ngayon si South Cotabato Vice Governor Arthur Dodo Y. Pingoy, Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *