157 mula sa 2,000 na mga bata sa Koronadal, maayos ang ngipin

KORONADAL CITY – NASA 157 mula sa mahigit 2,000 na mga kabataan sa lungsod ng Koronadal ang may maayos na mga ngipin. Ito ang inihayag ni Dr. Katrina Lili Crespo, City Health Dentist ng Koronadal sa interview ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan kanilang ikinakalungkot na may ilang mga komunidad sa lungsod ang walang kaalaman sa kahalagahan ng Oral Health.

Ayon kay Crespo, kaniyang binigyan ng attention sa layuning maipahayag pa ang mga bagay na dapat malaman sa pamamagitan ng counseling, lectures at maraming iba pa. Sa ngayon, kaniyang tinututukan ang mga buntis at daycare learners mula sa 203,000 na populasyon sa lungsod ng Koronadal. Dagdag ni Crespo na kanilang binibisita ang mga komunidad. Tinitingnan din sa mga dahilang ito ay ang kakulangan ng kaalaman ng mga magulan kaugnay sa gaya nitong mga gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *