SSS nagbabala sa publiko laban sa mga manloloko na ginagamit ang ahensiya

CAMARINES NORTE- Nagbabala ang Social Security System (SSS) sa publiko na mag- ingat sa mga manloloko na ginagamit ang ahensiya.

Sa isang pahayag ng SSS Luzon- Bicol Division na ibinahagi sa media binigyang diin nito na walang ginagawang papremyo o pamimigay ng pera o regalo ang SSS.

Ginawa ang pahayag matapos na lumabas sa mga post sa social media at maging sa private messages na nagsasabing nanalo kayo sa raffle draw ng SSS o kayo ay may oportunidad na mabigyan ng cash o regalo kapalit ng pag click sa ibinibigay na link o pagbigay ng inyong personal na impormasyon.

Paglilinaw ng SSS ito ay isang paraan ng pangloloko upang makuha ang personal na data kaya huwag maniwala at huwag na ring ikalat pa sa iba.

Paalala pa ng ahensiya na mag- isip at maging mapanuri o “Think before you click,” para hindi mabiktima ng mga manloloko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *