Suspek sa pagnanakaw sa China gininaw kaya sumuko

HUBEI, China—Nakatulong ng malaki ang malamig na panahon sa mga pulis at bumbero sa Ezhou City, Hubei Province sa China para madakip ang lalaking notorious sa mga kaso ng nakawan sa lungsod.

Walang pang itaas na damit at naninigas na sa ginaw ang suspek nang makita ito ng mga bumbero sa labas ng bintana sa ikaanim na palapag ng isang gusali sa naturang lungsod.

Sinubukan umanong iwasan ng lalaki ang mga pulis sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana sa balkonahe ng gusali pero doon na ito natrap.

Naging emosyunal umano ang suspek at nagbantang tatalon mula sa sixth floor kung kaya ipinosas ito ng isa sa mga pulis sa kanyang sarili upang hindi ito mahulog.

Kalaunan ay sumuko rin ang suspek at mapayapang sumunod sa mga otoridad dulot na rin ng pagod at sobrang ginaw.

Nirescue ito ng mga bumbero gamit ang lubid mula sa bintana at ligtas na naibaba.#

Photo: Global Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *