Taas-presyo sa LPG, namumuro

Nag-abiso ang Department of Energy, na maaring muling tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) products sa susunod na buwan, pero patuloy din umano ang roll back sa presyo ng langis sa mga susunod na linggo.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad, na ang mga buwan ng Nobyembre at Disyembre ay kadalasa’y impact period ng LPG inventory build-up.

Para ngayong buwan, ang mga presyo ng LPG products ay tumaas ng P3.50 per kilogram, at ang presyo sa AutoLPG ay tumaas ng P1.96 per liter.

Sa kabila nito, sinabi ni Abad malaki ang tsansa na patuloy na bumaba ang presyo ng langis sa susunod na dalawang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *