Tatlo katao patay sa Russian strike sa Ukraine

Tatlo katao ang patay at marami ang sugatan kasunod ng Russian strike sa lungsod ng Konstantynivka sa silangan ng Ukraine.

Nagsagawa ng pag-atake ang mga Russians sa isang residential neighborhood kung saan nasira ang apat na
multi-storey building , isang hotel, mga garahe at mga civilian cars.

Ayon sa Ukraine’s defence ministry, nagsagawa ng pag-atake ang Russia sa Konstantynivka gamit ang maraming rocket launcher.

Halos isang taon sa pagsalakay nito sa Ukraine, sinisikap ng Moscow na sakupin ang kontrol sa buong rehiyon ng Donetsk na idineklara na nitong bahagi ng Russia.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *