Tindero nanalong mayor laban sa isang doktor

Nanalo sa nakaraang hahalan ang isang tindero bilang mayor sa bayan ng Dolores, Eastern Samar laban sa isang doctor na kapamilya pa ng nanunungkulang mayor sa nasabing bayan.

Isa na ngayong mayor-elect ang tindero na si Rodrigo “Onoy” Rivera, 62-anyos na nagtapos ng second year sa high school matapos nitong malamangan ng 562 na boto ang katunggali nitong si Doc Zaldy Carpeso.

Si Rivera ay umani ng 11,508 na boto habang si Carpeso ay may 10,946 ayon sa partial, unofficial result ng Comelec.

Kapos man sa pundo inasa umano ni Onoy ang kanyang kampanya sa mga kakilala at mga kaibigan.

Malaki naman ang pasasalamat ng bagong mayor sa Dolores at ayon sa post nito “Sisimulan natin ang liwanag na magpapakita sa mga Doloresnon ng magandang serbisyo. Sulong Dolores. Congratulations sa ating lahat, lalo na sa kapwa ko Doloresnon. pagpalain tayo ng Diyos.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *