RACE, inilunsad ng SSS; tatlong employers, binisita sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Katuwang ang lokal na midya ng Sorsogon, isinagawa ng Social Security System ang Run After Contribution Evaders o RACE kaninang umaga, Mayo 12.

Sumailalim sa unang operasyon sa lungsod ang isang establisamiyento, isang construction firm at binisita rin ang City LGU para pakiusapan na-eenroll sa Social Security System ang kanilang JOs o job order employees.

Una rito, sa isinagawa ang media briefing con press conference sa SSS Building, Guinlajon, Sorsogon City, idiniin ni Vice-President for SSS Luzon Bicol Division Elenita Samblero na ang RACE ay hindi ‘shame campaign’ bagkus ay isang information drive at awareness campaign.

Dagdag pa ng opisyal, ang kampanya ay bahagi ng isang serye ng mga operasyon ng RACE na sabayang isinagawa sa buong bansa.

Ang kampanya umano ay naglalayong tiyakin ang patuloy na pagsunod ng mga delingkwenteng employers sa kanilang mga obligasyon at ang iba pang hakbang ay upang matiyak ang pagsunod ng mga employers sa Social Security Law.

Binisita rin ng SSS ang ilang mga employers sa bayan ng Gubat, Bulusan at Irosin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *