Transport groups, tiniyak ang pakikipagtulungan sa Gobyerno para sa face-to-face classes

Tiniyak ng ilang mga transport groups na handa silang makipagtulungan sa Gobyerno para palakasin ang transportation sector sa gitna ng nalalapit na full resumption ng face-to-face classes sa Nobyembre.

Ito ay sa gitna ng mga apela ng ilang transpo advocates na ipagpaliban na muna ang panunumbalik ng mga learners sa paaralan sapagkat hindi pa raw handa ang mga pampublikong sasakyan sa kalsada na i-acommodate ang dagsa ng mga estudyante.

Sa isang panayam, sinabi ni PASANG-MASDA president Ka-Obet Martin na tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa LTFRB para rito.

Una na rin kasing ipinag-utos ng Transportation Department na palakasin ang transport sector sa pamamagitan ng fleet augmentation, ‘o ‘yung pagpaparami ng mga PUVs sa kalsada.

Ayon kay Martin, inihain na raw nila kay LTFRB chair Atty. Cheloy Garafil ang kanilang tinatawag na ‘rationalization plan’.

Sa ganitong paraan, papayagang makabiyahe ang ilang PUJs sa lumang ruta nito kahit na wala pang pormal at pinal na order ang LTFRB.

Aminado naman si Martin na pilay pa rin ang sektor ng mga dyip dahil sa taas ng presyo ng petrolyo – pero sa kabila nito, makasisiguro umano ang mga mananakay na uunahin nila ang kapakanan ng mga ito at magtutuloy pa rin sila sa kanilang trabaho.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *