Umano’y araw-araw na paggamit ni VP Duterte ng presidential chopper, pinabulaanan

‘Fake News po ‘yan.’

Ito ang naging depensa ni Office of the Vice President spokespereson Atty. Reynold Musnayac hinggil sa mga kritiko ni VP Sara Duterte sa paggamit nito ng presidential chopper.

Una na kasing nagpost si Duterte ng pasasalamat para kay Pangulong Bongbong Marcos kung saan ay makikita sa naturang larawan na nasa likuran niya ang mismong helicopter ng Office of the President.

Depensa ni Munsayac, nalagyan ng kulay ang post ni Duterte at wala umanong katotohanang ginagamit niya ito araw-araw bilang service para makauwi sa Davao City.

Paliwanag nito, ‘Manila based’ na ang pamilya ng VP kaya tanging land vehicles na lang ang kanilang ginagamit.

‘Manila-based na po sa ngayon si VP Sara Duterte at ang family niya. Dito na din po nag-aaral ang mga anak niya. Land vehicles din po ang ginagamit nila araw-araw.’ wika ni Munsayac.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *