Walang blood clot reports; Less than 1% lang nakaranas side effects sa COVID-19 vax sa PH

Ibinahagi ng gobyerno na less than one percent lang ng mga nabakunahan laban a COVID-19 sa Pilipinas ang nakaranas ng side effects, na karamihan ay mild lang.

Ayon sa Department of Health, sa halos anim na milyong indibidwal na nabakunahan, 0.68% lang ang naiulat na sila ang nakaranas ng side effects, at mahigpit namang tinutukan.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula sa mga suspected reactions sa COVID-19 shots, 98% ng ikinokonsiderang non-serious, habang 1.89% ang serious.

Ang mga common side effects ay kinabibilangan ng panginginig, fatigue, lagnat, pagsusuka at pananakit sa injection site.

Samantala, wala rin naitala sa Pilipinas na blood clots matapos mabakunahan mabakunahan ng AstraZeneca’s COVID-19 vaccine. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *