Davao city, nagtala ng pinakamataas na single-day COVID-19 cases simula noong 2020

Nasa critical level na ang utilization rate ng intensive care units (ICU) na nakalaan para sa severe cases ng COVID-19 sa Davao City.

Ayon sa latest report ng OCTA Research Group, 91 percent ang ICU utilization rate sa Davao City habang ang hospital bed utilization rate naman ay nasa 67 percent o nasa moderate risk.

Nakapagtala rin ang lungsod ng 482 bagong COVID-19 cases noong Huwebes, pinakamataas simula nang pumutok ang pandemya noong Marso ng nakaraang taon.

Mayroong 26 percent one-week growth rate ang Davao at positivity rate na 14 percent habang 3,000 RT-PCR tests kada araw.

Nakapagtala rin ang mga lungsod ng Tagum, Digos, San Pablo, Cebu, at Baguio ng pagtaas sa bagong COVID-19 cases.// MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *