Warriors nagtala ng comeback win para ibaon ang Mavs sa 2-0 sa west finals

Nakumpleto ng Golden State Warriors ang come-from-behind win kontra Dallas Mavericks sa Game 2 ng Western Conference finals, 126-117.

Naagaw ng Warriors ang panalo kahit pa natambakan ito ng hanggang 19 puntos sa unang dalawang quarter ng laban.

Umarangkada sa second-half ang ‘splash brothers plus one’ na sina Stephen Curry (32 points), Klay Thompson (15 points) at Jordan Poole (23 points) upang habulin ang Dallas.

Sa kabila ng mainit na simula nina Jalen Brunson (31 points) at Luka Doncic (42 points) para sa Mavericks nadipensahan naman ito sa huling bahagi ng laro dahilan para malimitahan ang scoring output ng dalawa.

Susubukan naman makabawi ng Mavs sa Game 3 ng serye kung saan gaganapin ito sa kanilang home court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *