Website ng PhillHealth, accessible na ulit matapos ang Medusa Ransomware attack

Nagbabalik na online ang na-hack na website at member’s portal ng Philippine Health Insurance Corporation matapos ang complete online system shutdown dahil sa pag-atake ng Medusa Ransomware, na humihingi ng $300,000 kapalit ng hindi pagkalat ng data.

Sinimulan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga pagsisikap nitong maibalik ang mga ninakaw na data at matukoy ang pinagmulan ng pag-atake na nakompromiso ang higit sa 70 unit ng mga computers.

Sinisikap din ng PhilHealth na palakasin ang mga cybersecurity system nito upang maiwasan ang karagdagang pagkakataon ng pag-hack.

Tiniyak rin nito sa publiko na hindi na hindi sila magbabayad ng P17 milyong ransom na hinihingi ng mga hacker, nang hindi maaapektuhan ang kanilang mga database at impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *