1 sa 2 cases ng Indian variant ng COVID-19, nasa Bicol pero gumaling na

BNFM BICOL—Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang COVID-19 variant na unang nadetect sa India.

Ang dalawang kaso ay parehong Oveseas Filipino Worker (OFW) mula sa Middle east. Isa nito ay nasa Region 12 at isa ang nasa Region 5 o dito sa Bicol.

Sa ulat, Abril 10 nang dumating sa bansa ang 37-anyos na lalaking sea based OFW mula sa Oman. April 15 nang maisalang ito sa test at ini-isolate sa isang hotel san CR at nakarekober noong April 26.

Sumalang muli ito sa RT-PCR test noong May 3 at negatibo na sa sakit. Pag uwi nito sa Region 12 ay sumailalim muli sa panibagong home quarantine hanggang nitong Mayo 10.

Samantala, Abril 19 naman nang dumating sa bansa ang isa pang nagpsositibo sa sakit na taga Region 5. Isa itong 56-anyos na lalaking OFW mula sa UAE. Sumalang ito sa test noong April 24 at ini-isolate sa TTMF sa Clark.

Mayo 6 nang makarekober ito sa sakit at ngayon ay wala nang ipinapakitang anumang sintomas.

Ang B.1.617 o Indian variant ng Covid-19 ay itinuturing ngayon ng World Health Organization (WHO) bilang “variant of concern”.

Ayon sa WHO, itinuturing na variant of concern ang isang uri ng virus dahil sa mas mataas na transmissibility nito, mas mapanganib at nagpapababa sa epekto ng mga bakuna at gamot.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *