Truck inararo ang mga nakapilang SAP beneficiaries

Inararo ng truck ang mga nakapilang benipisaryo ng special assistance program sa harap mismo ng City Hall ng San Jose Del Monte Bulacan kaninang umaga.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, naghihintay lamang sila na magbukas ang pamimigay ng ayuda ng biglang sumulpot ang truck.

Dahil dito kritikal ang dalawang hindi pa pinangalanang biktima habang ginagamot ang iba pang nasugatan sa naturang insidente.

Ayon kay Police Major Julius Alvaro ng San Jose Del Monte Bulacan PNP, inatake sa puso o na-heat stroke ang drayber ng truck habang nagmamaneho kung kaya’t nawalan ito ng kontrol sa manibela na nagresulta sa trahedya.

Kinumpirma naman ng mga otoridad na nadala pa sa ospital ang drayber subalit binawian rin ito ng buhay kalaunan.

Nabatid na ang truck ay pagmamay-ari mismo ng City government.

Samantala tiniyak naman ni San Jose Del Monte City Mayor Arthur Robes na hindi nila pa babayaan ang mga biktima ng naturang aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *