19 anyos na estudyante, ginilitan ng leeg habang natutulog sa bahay ng guro sa Calbayog City

Patuloy pa rin na ginagamot sa hospital ang isang 19-anyos na estudyante matapos na gilitan ng leeg habang natutulog sa bahay ng kanyang guro sa Calbayog City, Samar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na galing sa isang seminar ang biktima at nakitulog muna sa bahay ng kanyang guro dahil wala nang sasakyan pauwi sa kanilang lugar.

Sa ‘di inaasahang pangyayari, habang natutulog ang biktima sa sala malapit sa may pintuan ay nagising na lang ito na ginigilitan na siya ng leeg ng suspek na kinilalang si Melvin Campong, helper ng may-ari ng bahay.

Agad naman na nahuli ang suspek at ngayon ay nasa kustudiya na ng Calabyog PNP na mahaharap sa kasong frustrated murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *