2 katao arestado dahil sa tupada sa bayan ng Paracale, 2 arestado naman sa Basud dahil sa color games

CAMARINES NORTE- Arestado ang dalawa katao habang nakatakas naman ang dalawang iba pa sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng Paracale MPS nitong Sabado ng hapon sa Purok 8, Brgy. Gumaus, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Rey 49 at Ruel 56 habang ang dalawang nakatakas ay nakilalang sina alyas Toto at alyas Bobby na pawang mga residente sa lugar.

Sa ulat ni PMaj Fernand Segundo, Acting Chief of Police ng Paracale MPS, nahuli sa akto ang mga nabanggit na personahe habang nagtutupada.

Nakumpiska ang dalawang panabong na manok na may gaff (tari) at bet money.

Sa bayan naman ng Basud ay arestado ang dalawa katao matapos na maaktuhang naglalaro ng color games Sabado ng gabi sa  Purok 2, Brgy Plaridel.

Ang mga naarestong personahe ay kinilalang sina AYE, 42 anyos, may asawa, at residente ng naturang barangay at si alyas EMON, 30 anyos, binata, at residente ng Purok 5, Brgy. Alanao, Lupi, Camarines Sur.

Nakuha sa kanilang pag iingat ang isang set ng board game na may tatlong pirasong dice at bet money.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang mga nabanggit na personahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *