21-anyos na lalaki, huli sa drug buy-bust ops sa Lucena; ₱116k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat

Arestado ngayon ang isang lalaki matapos itong makumpiskahan ng mahigit ₱116,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Cotta, Lucena City nitong Martes, Abril 23.

Sa pamamagitan ng drug buy-bust operation, nadakip ang suspek na si alyas “Darrel”, 21-anyos, matapos makabili ang isang poseur buyer ng hinihinalang shabu mula sa kanya.

Kasabay nito, isang (1) canister at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *